MANANGUETE; PAGSASAKA NG TUBA

Posted by Benedick.Ramos on 12:02 AM

MANANGUETE; PAGSASAKA NG TUBA


by:jonathan orbuda


(wacth out for the english version of my true story)


15 years old, na ako at nagbibinata na, panigurado kung mabasa nyo itong kwento hindi kayo maniniwala,pero ako mismo na nagpapatunay na ang mga aswang ay may katutuhanan at hindi likha ng malilikot na isip ng mga tao. Ito ay naganap sa BOHOL, sa isang bayan ng SAN ISIDRO, ang SAN ISIDRO ay ang aking bayang sinilangan,ang SAN ISIDRO ay ang pinakamaliit na bayan sa boung BOHOL. Dati isa itong Baranggay ng Bayan na CATIGBIAN. Kung sa Baranggay man lang ang pag-uusapan, ito na siguro ang pinakamalaking baranggay sa boung BOHOL kaya naman napagpasyahan itong maging bayan. Pero kung bayan man din,ito naman ang pinakamaliit. Dati itong Barangay agbunan. Agbunan sa tagalog ang ibig sabihin ay tumataas. Hindi ko talaga alam bakit naging bayan ang SAN ISIDRO, ngayong di naman nakitaan ng sibilisasyon o kunti man lang na pag asenso. O di kaya talagang gustong magsarili ito o itinakwil talaga ang baranggay na ito. Dahil sa pangalang agbunan! Sikat ang SAN ISIDRO sa bugang isang halamang damo na namumumulaklak na kapag itoy natuyo ito ay nagmumukhang bulak at pag ito ay hinahangin magsiliparan ito at mapapadpad at tutubo na naman. Ito ang naging magandang tanawin na hindi naipagmalaki ng AGBUNAN kasi natatakpan ito ng takot kasi sikat din ang AGBUNAN sa mga aswang,maligno kung anong lamang lupa. Na sa magpahanggang ngayon ay nananatili parin ang takot sa amin. Ang kinakabuhay nang taga AGBUNAN ay pagsasaka ng palay, mais, copra, at alak na mula sa niyog na kilala sa pangalang tuba.


Si mang MANGGI,isang sikat na albularyo,na ang tanging kinakabuhay ay ang tuba, sa madaling salita sya ay isang MANANGUETE.

Nung mga panahon na iyon na 15 taong gulang. Ewan ko, kung bakit ako inatake ng hika gayong matagal na akong hindi inatake nito. Laki ako sa LOLOT LOLA. Sila ang nag aalaga sa akin tuwing sinusumpong ako ng hika. Pero sa pagkakatanda ko ang huling inatake ako ng hika ay nuong nasa ika-anim na baitang palamang ako. Siguro nga nabinat lang ako sa pagsasayaw dahil cheer leader ako ng mga panahon na iyon at panay buhat ako ng mga panahon na yun kasi lifter ako. Pasumpong sumpong at pabalik balik rin ako sa albularyo na naghahagod sa akin at doon ko nakilala si MANONG MANGGI. Sya ay mabait. Naitanong ko sa kanya kung may katotohanan ba ang mga aswang. Kasi nangyari sa akin ng isang beses may lumilipad at ang lakas ng pagaspas ng parang kung anung napakalaking ibon na dumaan sa may bubongan na yero ng bahay namin. Ang huni nito ay, wakwakwakwakwakwak! Paulit ulit ito. Diko ito pinansin dahil sanay na ako sa mga ibon sa mga ibon na wakwak na kung tawagin! At palagi ito gabi gabi. Normal na ito sa amin.

Pero kung anong umudyok sa akin ng mga oras na yun. Siguro sa hirap ako sa paghinga kaya ko siguro sinigawan ang ibon na iyon! At SABI NA "sige ka! Aswang ka, gagahasain kita dyan! Ang ingay mo. Di ako makatulog may hika na nga ako". Sigaw ko na may halong panunukso. Simula nung time na yun hanggang sa naikwento ko ito kay manong MANGGI. Hindi na ako tinigilan ng ibon na yun! Tatlong gabi na itong paikot ikot sa bubong namin,hindi ako makatulog at pakiramdam ko lumalala ang aking hika. Hanggat sa napikon na ang lolo ko sa nangyari at pinapatunog nya ang kanyang itak,at tila hinahasa nya ito.Pero sa halip na lumipad ang ibon papalayo ay mas nagagalit ito at tila humahampas ang mga pakpak sa bubong at mas nagagalit ito kaya natakot na ako. Naikwento ko ito sa mga albularyo na isang sapa lang din ang tatawirin ang layo sa bahay nila mula sa amin.

Nagkaroon ng interes si manong manggi at talagang nakikinig. Ikinwento nya rin sa akin ang naging inkwentro nya sa aswang. Si manong manggi ay likas na masayahing tao. Pabiro nya akong kinuwentohan. Habang hinihilot nya ako.

Isang gabi daw na lasing na lasing sya kasi kakababa lang daw nya sa niyog na pinagTUTUBAAN nya. Sa 50 punong niyog na kanyang pinagtutubaan ay itong isang niyog na yun na sagana sa tuba at talagang umaapaw ang sugong sa dami ng tuba na nagawa sa boung magdamag. Dalawang beses niya itong pinagtutubaan, tuwing hapon at umaga. Nang makababa siya ay tinikman ang tuba, di niya namamalayan na lasing na pala siya. Paglasing si manong MANGGI,lumilitaw ang kanyang palabirong ugali.

Nakahiga na daw siya ng may dumaang ibon sa itaas niya at katulad ng tunong na palagi naming naririnig na ibon tuwing gabi. May lakas loob syang magbiro sa aswang dahil isa siyang albularyo at lasing pa. Dumaan ito at.

Siryosong sinasabihan ang ibon. " kung sino kaman , kung makaihaw ka, paambit naman",na sa tagalog ang ibig sabihin, kung makakakatay kaman,pahingi naman,sayo nang pulotan para maipartner."pagmamayabang pa ni manong manggi. "mag inuman tayo"pabiro niyang sabi. Hindi na nya narinig pa ang aswang o ibon man yun. Mahimbing na nakatulog ang albularyo sa dahilang lasing.

Kinabukasan malakas, maganda at maaliwalas ang umaga ni manong MANGGI. Sa probinsya, sanay ang mga tao ng gumising ng maaga ng 5:00 ng umaga, kasi naman ay natutulog din ang mga ito ng 7:00 ng gabi. Pagkatapos ng makinig ng drama sa radyo. At dahilan din ito para makagising ng umaga at makapag simula ng trabaho. Ganyan ang buhay sa probinsya.

Dalidaling umakyat si MANONG MANGGI sa pinakapaboritong puno ng niyog na sagana sa tuba. Sa 50 ka puno, talagang ito ang inuuna nya kasi alam nya dito makakarami sya ng ani ng tuba.Pagdating sa itaas napansin nya ang isang babae na nandun sa baba ng niyog at naabutan niyang paalis at may bitbit na supot na duguan at isang tabo na gawa sa bao,mas kilala sa tawag na salop. Akala niya si ording baliw,sinigawan nya ito sa pagakalang kukunin ni ording baliw ang tsinelas na naiwan nya sa paanan ng puno ng niyog.Pero anduon parin ang tsinelas niya.Hindi na nya maaninag ang babae kasi madilim pa at kahit maaninag mo man dahil pasikat na ang araw ay malabong mangyari dahil nasisilaw siya kasi nasa itaas sya ng puno at makapal ang fog na nasa baba na dahilan para di na nya makita ng tama ang babae. Binale wala, niya ito sa pag akalang si ording baliw daw talaga ito. Tuloy siya sa pagtutuba nang napansin niyang na walang laman ang sugong o kawayan sa sumasalo sa tuba. Lamas,said at tuyo ito,walang kalaman laman,nagtaka siya eh malakas ito kung magbigay ng ani!Panu nangyari kaya iyon. Dun nya naisip na baka ninakaw ang tuba niya. Dun nya naalala na ang babaeng may dalang salop, "gago talga tong si ording na to. Baliw na nga! Magnanakaw pa nang tuba!" Kaya dali dali siyang bumaba sa sobrang pagkadismayado at lilipat na lang siya sa ibang puno.

Nang akmang hahawak siya sa isang palm ay parang madulas dulas ito at pakiramdam nya malalaglag siya. Kumapit siya at laking gulat niya ay may nakalagay dun na isang tabo na my laman ng tuba na nakaipit sa palma at natapon pa ito sa mukha niya. Napapikit sya sa sobrang anghang ng tuba na tumilapon sa mata niya. Papikit siya na kumapit,pababa, nahulog ang tabo at nahagip ang kanyang dibdib. Masakit ito kaya napadilat siya sabay hawak sa puno para maiwasan ang pagkalaglag niya. Tiningnan niya niya ang dibdib niya "ang daming dugo,natakot siya" at nagpadausdus sa puno ,sa halip na hahakbang.Ginawa niya ito kasi nagulat siya sa sobrang dugo sa dibdib nya, iniisip niya na baka kasi nasugatan sya sa nangyaring paghapit ng tabo na nahulog. Baka ito ang nakasugat sa dibdib niya.

Pagkababa, daling hinubad niya ang damit tiningnan ang dibdib pero galos lng ang nakita nya sanhi sa pagpapadausdus. Tiningnan niya ang damit niya, nagulat siya sa sobrang dugo, namomuo ang dugo at tuloy ang pagtulo sanhi din sa tuba na tumapon din dito,pero ang nakapagtataka bakit ganun kadami ang dugo kung galos lang ang natamo niya? Bakit ganun nalang kalansa ang amoy kung tuba lng ang pumatak sa katawan niya? At patuloy ang pagpatak nito kaya tumingala siya sa taas!Kitang kita na niya ang taas na bahagi sapagkat nasisikatan na ito ng araw."Laking gimbal niya na may nakatusok na laman laman sa isang stick na gawa sa tingting nang niyog,na tinangalan lang ng dahon at iniwan lang ng kunting dahon sa dulo sa dahilang para hindi dumiritso ang nakatusok dito at malaglag pa. Ganyan ang istilo kasi ng patumpok tumpok sa palengke, tinutusok pirapiraso ang mga isda sa ganung paraan pero gulat na gulat siya kasi hindi ito isda, ito ay laman ng di makilalang hayop. Pero nagdalawang isip siya na laman ng hayop iyon,kinatay at tinusok dun! Binalewala parin niya ang nangyari baka lng daw naiwan ng magnanakaw na kumuha sa tuba niya! Naiwan ito sa sobrang kalasingan. "Malas kang magnanakaw ka. Sa halip na tuba lang ang maani ko ngayon ay ulam tuloy ang maipasalubomg ko sa asawa ko." ani mang MANGGI. I

Inakyat niya uli ito at kinuha, tumawa pa siya. "hehe, may mauulam narin kaming karne at di na puro tuyo. Makakatikim narin kami sa linggong ito". Pabiro niyang bulong sa sarili. Pero nagtaka siya iba ang hibla ng laman. Malalaki at ang lalambot,hindi ito baboy kasi wala siyang nakitang taba. At di rin ito kalabaw kasi malambot, di rin baka,"ah siguro kabayo ito".

Bumaba siya sa pagkakaakyat sa niyog, iuuwi niya ito muna,bago puntahan ang iba pang puno ng niyog. Nang akmang isusuot na niya ang tsinelas ay nagulat siya kasi may malamig na bilog na malambot na naapakan niya sa ibabaw ng tsinelas niya, akala niya palaka ito, pero bakit di man lang tumalon. Nang tingnan niya ito tila bola ito, kaya dinampot niya ito. Nakita niya,kasing laking kamao ang bola na korti puso. Kinikilabotan siya nito, dinala niya ito sa bahay, dun nya nalaman na hindi ito karne ng hayop kundi KARNE NG TAO ITO AT MAY PUSO PA. Natakot siya at nakaramdam ng pandidiri kaya tinapon niya ito sa aso at pati aso ay di masikmurang kainin ang mga ito. Fresko pa ito at hindi bilasa ika nga! Bakit ganun nalang ang pag ungol ang aso niyang alaga at di na ito kumakain. Nagising ang asawa niya si MANANAG TALINA. Ikenwento nya ito kinilabotan ang asawa sa sinabi niya. Nagmadaling pumunta si mang manggi sa sapa at dali daling naligo,kasi nandiri siya sa katawan niya at sa mga nahahawakan niyang laman kanina lang.

Nang makarating ito sa may sapa. Naabotan niya ang isang matandang babae dun may dalang tabo na gawa sa niyog, may laman na karne hinuhugasan ng matanda ang dala niya nang miigi. Nakuha pang makipagkwentuhan si manong manggi at tinanong kung ano ang nililinisan at hinuhugasan ng babae. Sumagot din ang babae na, " ah eto! Mga huli kung palaka,kinatay ko na dito sa sapa at hinugasan para pagdating ko sa amin lulutuin nalang ng apo ko." Sabi pa nang matanda na parang nahihiya sa paghuhugas at dali daling nilagay sa tabo ang laman ng mga palaka. Madilim sa mga oras na iyon kahit mataas na ang araw dahil ang sapa ay kulob gawa sa pangpang na nakatakip dito. Ang maliwanag lang ay ang mataas na bahagi ng bangin, na tinatamaan sa mga oras na iyon. "parang nakarami ka ata ngayon ng huli"pabiro ni MANG MANGGI sabay paligo. At Umalis ang matanda."kunti na nga lang to kasi may nanghingi sakin binigyan ko rin,ipupulutan daw niya. Segi at akoy mauna na sa iyo."paalam ng matanda.

Nagtaka ang mananguete,bat ganun nalang kalansa, eh ang palaka ay parang manok lang kasi!Bakit ganun kadaming dugo?Hindi naman madugo ang palaka! Bat ganun! Kinilabotan na naman siya lalo na nung makita niya ang supot na naiwan ng babae, isang plastic bag na puti,duguan ito.Naalala niya nang nasa tubaan pa siya na may supot din na dala ang babae na akala niya si ording! Napagdugtung dugtung nya ang nangyari,ang sabi ng babae na may binigyan siya ng palakang nakatay nya.Ang sabi naman nya ng may dumaan na ibon,ang lahat lahat ay magkadugtong,ang pulutan na sabi niya sa ibon. Ang lahat lahat ay magkakadugtong at walang bahid na pagdududa.

"Natatandaan mo pa ba ang mukha ng babae, manöng?"Tanong ko kay manong manggi, habang sarap na sarap ako sa hilot na ginawa niya. "Basta matanda at may nunal sa kilay!"sagot naman niya habang nag aapora nang matapos ang kwento,at tapos na talaga! Di ako makapaniwala sa sabi niya. "oh! Tapos na. Umuwi kana at gagabihin kapa baka malamigan ka, kakahilot ko pa naman! At higit sa lahat di mo mapakinggan ang drama sa radyo!"sabi ni manong! "di bale po may kwento naman akong narinig na mas maganda pa sa drama sa radyo"pabiro kong sagot. At tumayo ako at medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Umuwi ako, gumaan ang pakiramdam ko na tila makakahinga na ako nang maayos at makakatulog na ng mahimbing ngaung gabi. Gumaan nga ang paghinga ko bumigat ang pakiramdan ko habang naglalakad sa gitna ng dilim na tanging liwanag ng buwan ang ilaw ko,sa sobrang takot at nakaramdam ako ng takot sa kwento ni manong manggi samantalang nakalipas na ito ng 5 taon at nabuldosher na nga ang niyog na nasabing pingsabitan ng mapagbigay na aswang ika nga, para sa pagpapalawak ng kalsada,at tuloyan ng nabura sa isipan ng mga tao kasabay ung unti unting pagpapaunlad ng bayan sapagkat nagkaroon ng malapad at malawak na kalsada.Diko namalayan na patawid na ako sa sapa,nakaaninag ako ng isang magandang babae naliligo sa gitna ng gabi,nakahubad ang puti at nakatalikod.

Nakaramdam ako ng ibang init sa katawan ko. Humiga ang babae sa bato,ang putit ang ganda,ganito talga siguro ang pakiramdam ng nagbibinata. Tumingin sakin ang babae, kumindat ang maaamong mata.Napansin ko ang nunal sa kilay niya. Kinilabotan ako, Ano ba ang nangyari, kako sa sarili ko.

Naalala ko ang kwento ni manong manggi, na kakaisip ko lang din kanina lang. Nabura lang nang makita ko ang babae. Pero ang kwento niya isang matanda, at hindi ganito kagandang dilag. Naalala ko na! Humingi si manong ng pulutan at binigyan din naman, baka ito rin ang ibon na pinagbantaan kong gahasain. Baka nga pagbigyan ako nito ng aswang sa hiningi at ito sya. Kinilabutan ako at daling tumakbo,nakasalubong ang lola ko sinundo ako. Niyakap ko nang mahigpit ang mahal kong lola,

ngayong 20 na ako,
panibagong limang taon na naman ang lumipas ng nangyari sa kin, pero sariwa parin ito hanggang ngaun sa aking isipan, sana pag nakauwi na ako sa bohol ay iba na ito nung iniwan ko!